Kumbinsido ang NBI o National Bureau of Investigation na planado ang nangyaring pagpatay ng mga Pulis – Caloocan sa binatilyong si Kian Loyd Delos Santos.
Batay sa imbestigasyon ng NBI, lumalabas na treachery o patraydor ang ginawang pagpatay kay Kian na anila’y binaril habang nakaluhod o di kaya’y nakadapa.
Kumbinsido rin ang NBI na walang dalang shabu si Kian sa kaniyang baywang dahil boxer shorts ang suot nito nang mapatay kaya’t imposibleng makapag-sukbit ito ng baril.
Magugunitang sinampahan na kahapon ng NBI ang tatlong Pulis – Caloocan na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pedera at PO1 Jerwin Roque ng mga kasong murder, violation of domicile at paglabag sa batas kontra sa pagtatanim ng ebidensya.