Malapitang binaril at hindi nanlaban si Kian Loyd Delos Santos.
Ito ang lumalabas sa isinagawang autopsy sa labi ng 17-anyos na binata na umano’y nanlaban sa anti-drug operations ng mga awtoridad.
Ayon kay Dr. Erwin Erfe, forensic consultant at forensic laboratory director ng PAO o Public Attorneys Office lumabas sa kanilang examination na ang bala ay unang tumama sa likurang bahagi ni Kian.
Ang second entry point ay makikita naman sa likurang bahagi ng kaliwang tainga ni Kian habang ang huling rama ay sa loob mismo ng kaliwang tainga nito.
Ang parehong bala na tumama sa ulo ng biktima ay lumabas umano sa kanang bahagi ng ulo nito.
Ipinabatid ni Erfe na nasa paanan lamang ni Kian ang bumaril habang ito ay nakasubsob sa una at pangalawang tama habang ang bumaril sa kaniya sa ikatlong tama ay nasa kaliwang bahagi lamang nito.
Hindi naman matukoy ni Erfe kung isang tao lamang ang bumaril subalit ang lahat ng bala ay mula sa 9mm na baril.
By Judith Larino
SMW: -RPE