Malinaw na pinatay na walang dahilan at walang kalaban laban si Kian Loyd Delos Santos.
Ayon ito kay Senador Bam Aquino matapos ang nai prisintang forensic, physical at testimonial evidence sa Senate hearing na nagpapakitang pinatay si Kian ng walang kalaban laban ng mga otoridad.
Kaugnay nito sinabi ni Aquino na titiyakin ng Senado na makakasuhan at makukulong ang mga pumatay kay Kian.
Nakakalungkot aniyang humantong sa ganitong sitwasyon ang giyera kontra iligal na droga ng pamahalaan kung saan may mga nagiging biktima na extra judicial killings.
By: Judith Larino / Cely Bueno
SMW: RPE