Puspusan na ang ginagawang contact tracing ng lokal na pamahalaan ng Kiangan sa Ifugao.
Ito’t makaraang makapagtala na ang kanilang bayan ng unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Kiangan LGU, overseas Filipino worker (OFW) ang biktima at isinasailalim na ito sa quarantine.
Umapila naman ang pamahalaang lokal sa kanilang mga kababayan na manatili sa bahay at sundin ang quarantine protocols.