Nangunguna ang Kidapawan City sa North Cotabato sa mga tuntunin ng pagpapatupad ng pagbabakuna.
Ito’y dahil sa pinalakas na pagpapakalat ng impormasyon at kampanya para sa pagbabakuna
Batay sa pinakahuling datos ng vaccination coverage report ng Department of Health (DOH) sa SOCCSKSARGEN, nasa 108,418 indibidwal na ang fully vaccinated o 85% ng kabuuang target na 128,244 sa Kidapawan City.
Pumangalawa ang Tacurong City sa lalawigan ng Sultan Kudarat na mayroong 66,404 na ganap na nabakunahan o 78.82% ng target na 84,250.
Samantala, sinimulan na ng munisipalidad ng M’lang sa North Cotabato ang kanilang kampanya sa pagbabakuna para sa humigit-kumulang 12,000 mga bata na may edad lima hanggang labing isang taong gulang.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Municipal Health Office ng M’lang, humigit-kumulang 76.69% ng target na populasyon ang fully vaccinated na kontra COVID-19. —sa panulat ni Kim Gomez