Inanunsiyo ng PBA board na ipatutupad nito ang uniform players’ contract na may kinalaman sa paglagda ni Kiefer Ravena ng kontrata sa Shiga Lakestars ng Japan B.League.
Dahil dito, ito’y nangangahulugan na hindi pa maaaring maglaro sa labas ng bansa si Ravena.
Ayon kay PBA Chairman Ricky Vargas, dapat kilalanin at sundin ni Ravena ang kontrata nito sa NLEX na epektibo pa hanggang sa susunod na tatlong taon.