Hindi makakalaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa ilalim ng Gilas Pilipinas ang point at shooting guard na si Kiefer Ravena.
Ito’y matapos sumailalim sa emergency dental surgery si Ravena na nakatakda sanang bumiyahe abroad kagabi patungong Middle East.
Bukod kay Ravena, kabilang din sa hindi makakalaro sa Gilas sina June Mar Fajardo, chris newsome, at University of the Philippines player Carl Tamayo dahil sa naging injury.
Sa kabila nito, nanawagan sa publiko si Ravena na suportahan ang Gilas sa kanilang unang laban kung saan, kanilang makakaharap ang Jordan sa November 10 na susundan naman ng Saudi Arabia sa November 13.