Hinirang bilang team captain ng Shiga Lakes si dating UAAP most valuable player Kiefer Ravena sa kanyang ikalawang season sa B.League team.
ito ay para pamunuan ang Lakes sa 2022-2023 season ng B.League, na magsisimula sa sabado kung saan, kanilang makakaharap ang gunma crane thunders.
Dahil dito, ikinatuwa ni Kiefer ang nakuhang bagong posisyon kahit mayroon pang labing isang manlalaro na kaya ding pamunuan ang loob at labas ng basketball court.
Sa kabila nito, umaasa si Ravena na magiging mas maganda ang kanilang laro ngayong taon at handa siyang gawin ang kinakailangan upang matulungan ang kanyang koponan na maabot ang antas na kanilang kailangan para masungkit ang panalo laban sa Thunders.