Inanunsyo ngayon ni Gilas Pilipinas Player Kiefer Ravena ang kanyang paglahok sa PBA rookie draft.
Ayon kay Ravena, kinonsulta niya ang kanyang pamilya bago nagdesisyong sumali sa draft.
Binigyang-diin nito na pangarap niyang lumevel up at sumali sa PBA.
Una rito, nagpahayag na din ng intensyon ang kapwa Gilas ni Ravena na si Jeron Teng na magsumite ng draft application sa PBA draft.