Humingi ng tawad si dating Ateneo Blue Eagle Star Player Kiefer Ravena sa mga naapektuhan kaugnay sa kumalat niyang photo scandal.
Nag-sorry si Ravena sa kanyang mga magulang, mga kapatid, fans at maging sa girlfriend niya na si volleyball star player Alyssa Valdez.
Aniya, hindi niya inaasahang aabot pa sa iskandalo ang pag-entertain niya sa isang viber conversation at pinagsisihan ang mga nangyari.
Ito ang unang beses na nagsalita si Ravena matapos kumalat ang kanyang mga intimate photos sa social media at mahuli ang suspek sa pagkalat ng mga ito.
By Krista de Dios