Limpak-limpak na premyo umano ang makukuha ni People’s Champ Manny Pacquiao sa ikatlong pagtutuos nila ni Timothy Bradley sa Abril 9.
Ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, ang fight purse ni Pacman ay tinatayang aabot sa 20 million US dollars o katumbas ng halos P1 bilyong piso.
Gayunman, ayaw isiwalat ni Arum kung magkano ang kikitain ni Bradley sa naturang laban.
Bagama’t ilang beses nang sinabi ni Pacquiao na huli na niyang laban ito ay iginiit ni Arum na ayaw niya itong tawaging grand exit na ng Pambansang Kamao.
By Jelbert Perdez