Lumakas pa ang bagyong Kiko at bumagal habang patuloy na tumatawid ng Balintang Channel.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Kiko sa layong 115 kilometro kanluran ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Inalis na ang lahat ng tropical cyclone warning signals sa mga lugar sa bansa.
Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.
Samantala, sinabi ng PAGASA na posibleng lumakas pa ang bagyo at maging tropical storm sa susunod na 24 oras.
AR/ DWIZ 882