Wala ng silbi kung iimbestigahan pa ang pamamaslang sa mamamahayag na si Jun Pala.
Ito ang tinuran ni incoming President Rodrigo Duterte sa kabila ng pag-amin na kilala nito ang mastermind sa pagpatay kay Pala noong 2003 sa Davao City.
Tahasang sinabi ni Duterte na tiwaling mamamahayag si Pala dahil nangingikil umano ito sa ilang personalidad.
Gayunpaman, ipinagtatanggol pa, aniya, ito sa ngalan ng peryodismo.
Ayon sa Center for Media and Responsibility, kilala si Pala na kumokontra sa komunismo.
Binabatikos din ni Pala noon sa kanyang programa sa radyo ang tinagurian nitong “Duterte reign of terror” sa Davao.
By: Avee Devierte