‘All around’
Ganito kung maituturing ang beteranong brodkaster na si David Oro, isa sa mukha ng DWIZ partikular sa mga oras na alas 6 hanggang alas 8 ng umaga.
Wala na ngang itulak kabigin sa karanasan ni Oro matapos mapasama sa mga malalaking programa sa radyo tulad ng SOCO kung saan co-anchor siya ni Gus Abelgas, Gising Pilipinas at Aksyon Ngayon.
Si Oro ay dati ring anchor ng mga programang Anggulo ng mga report at Pulis, pulis kung umaksyon mabilis.
Bago mahinog bilang beteranong anchor si Oro ay naging senior desk editor, hepe ng provincial correspondents, production assistant/researcher/writer ng Magandang Gabi Bayan programa ng apat na taon.
Hindi lamang naging boses sa himpapawid si Oro kundi nabigyan din ng pagkakataong isulong ang misyon ng media bilang fourth estate nang mapabilang sa mga opisyal ng NCRPO Press Club, National Media relations Officer ng Kabalikat Charity Civic Communicator Incorporated, AFP at PNP Press Corps.
Kaya naman, isang malaking karangalan na makasama si Oro sa pamilya ng DWIZ para sa paghahatid ng pinaka the best na serbisyo publiko.