Iniimbestigahan ng Bureau of Customs ang isang kilalang negosyante sa Cebu kaugnay nag pagpupuslit ng sako-sakong bigas mula sa China.
Hindi naman pinangalanan muna ni Cebu Customs District Collector Wivina Pumatong ang naturang negosyante sa kadahilanang patuloy pa ang kanilang pangangalap ng ebidensya.
Ayon pa kay Pumatong, bukod sa naturang negosyante ay iniimbestigahan din ang isang kawani mismo ng BOC-Cebu matapos malamang may nagsumite umano ng pekeng resulta ng x-ray kaya nakalusot ang kargamento.
Tatlong sunod-sunod na shipment na ang naharang ng BOC dahil sa mga laman nitong pinalulusot na mga produkto, mula Nobyembre hanggang kasalukuyang buwan.