Hindi matatawaran ang kakayahan at naging kontribusyon na ng isang Jon Ibanez sa industriya.
Nagsimula si Jon bilang newswriter, naging reporter at ngayo’y isa nang batikang brodkaster.
Patunay sa mga achievements ng isang Jon Ibanez ang pagkilala sa kanya sa coverage nya sa hostage taking sa Agusan del Sur.
Bukod dito, naipakitang muli ni Jon ang kanyang kalibre bilang reporter sa coverage sa Malakanyang siege, Manila Peninsula siege, Makati bus bombing, Luneta bus hostage taking at Pantranco terminal hostage kung saan ang mobile nya pa mismo ang nagdala sa ospital ng batang biktima.
Bahagi ng tatlong dekada nang pamamayagyag sa media ni Jon ang coverage nya sa Manor Hotel fire kung saan siya ang unang nakasaksi sa napakaraming labing nakahandusay sa gusali.
Umalingawngaw din ang boses ng isang Jon Ibanez sa mga programang Kabayan, Failon at Sanchez, Usapang de Campanilla, Lovelines, Sa Kabukiran at iba pang mga programang gumawa ng ingay sa himpapawid.
Yan si Jon Ibanez, isang alamat sa media industry!