Pinabulaanan ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na mayroon silang ipinatutupad na quota hinggil sa kung gaano karami ang mapapatay na suspek sa drug operations.
Sinabi ni Dela Rosa na ang sakop lang ng ipinatutupad na quota ay hinggil sa bilang ng naaaresto at napapasuko na suspek.
Ipinaliwanag ni Dela Rosa na ang pagtugon sa quota ang magiging basehan ng pananatili sa serbisyo ng pulis.
Drug operations
Patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga napapatay sa anti-illegal drug operation ng Pambansang Pulisya.
Batay sa tala ng PNP hanggang kaninang umaga ay umabot na sa 1,377 ang bilang ng napatay matapos manlaban sa operasyon.
Umakyat na din sa 22,500 ang bilang ng mga suspek na naaresto, habang mahigit sa 723,000 naman ang sumuko sa pamahalaan.
By Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)