Nasabat ng mga tauhan ng Quezon City Veterinary Office ang may 300 kilo ng kontaminadong frozen meat sa Commonwealth Market.
Ayon kay Quezon City Veterinary Office Chief Dr. Ana Cabel, nasamsam ang mga nasabing karne sa apat na stall sa palengke kung saan ay hindi maayos ang paghawak at pag-iimbak sa mga ito.
Lumalabas na nakalapag lamang sa gilid ng tindahan ang mga frozen meat sa halip na nakalagay ang mga ito sa loob ng freezer.
Sinabi ni Cabel na mapanganib ito sa kalusugan ng mga mamimili dahil sa malaki ang posibilidad na pinamahayan na ito ng mga mikrobyo.
By Ralph Obina