Nasabat ng NBI o National Bureau of Investigation ang labimpitong (17) plastic ng umano’y shabu na tinatayang aabot sa isang kilo ang bigat ng bawat isa sa Escolta, Maynila.
Ayon kay NBI-NCR Regional Director Ricardo Diaz, sinundan nila ang isang kotseng Nissan na kulay pula at may plate number na WNL 700 matapos makatanggap ng tip hinggil sa transaksyon ng grupo sa lungsod.
Sinasabing ang kilo-kilong shabu ay nakuha mula sa isang Chinese syndicate na pinamumunuan ng isang “alyas Feng” na matagal nang binabantayan ng NBI.
Matapos ang laboratory check at inventory sa mga nasamsam na items ay nagpositibong shabu ang laman ng labimpitong (17) plastik.
By Jelbert Perdez | Aya Yupangco (Patrol 5)