Magsasagawa naman ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka sa tapat ng Kampo Crame ngayong araw.
Ito’y bilang pagkundena sa ginawang marahas na pagtaboy ng pulisya sa mga magsasaka na humihiling ng tulong mula sa pamahalaan bunsod ng matinding epekto ng El Niño sa Kidapawan City, North Cotabato.
Ayon sa Grupong Sanlakas, dapat isailalim ng pamahalaan sa state of calamity ang lahat ng mga lalawigang matinding apektado ng tagtuyot upang hindi gumalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin at magamit sa kapakinabangan ng publiko ang emergency funds.
Alas-9:30 ngayong umaga inaasahang magtitipon-tipon sa harap ng Kampo Crame sa bahagi ng EDSA ang grupong mga magsasaka upang magsagawa ng maikling programa.
By Jaymark Dagala | Jopel Pelenio (Patrol 17)