Nagdulot ng marahas na kilos-protesta sa Kallakurichi, Salem District sa Tamil Nadu, India ang pagkamatay ng isang babaeng estudyante matapos makaranas ng pangha-harass mula sa kaniyang dalawang guro.
Sa impormasyong nakuha ng mga otoridad, hinalay umano ang naturang estudyante dahilan para arestuhin ang dalawang guro ng mathematics at chemistry kasama na dito ang tatlo pang management officials, maging ang principal at sekretary nito.
Matatandaang nagkaroon ng mga injury at hemorrhage ang biktima dahilan para iutos ng Madras High Court na magsagawa muli ng ikalawang authopsy matapos ideklarang natural causes lamang ang pagkamatay ng estudyante.
Ayon kay Director General Police C Sylendra Babu, binabantayan na nila ang seguridad sa paligid ng paaralan maging ang iba pang sakop ng nabanggit na lugar matapos maganap ang insidente.