Nagkilos protesta sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa bahagi ng Intramuros, Maynila ang grupo ng mga kabataan para ipanawagan ang kanilang hiling na ibasura ang inihaing kaso ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC laban sa kanila.
Sa inihaing kaso ng NTF-ELCAC, kakanselahin umano ang pagrerehistro ng Kabataan Partylist Group na may layuning mapigilan ang pagkaroon ng partisipasyon at boses ang mga kabataan sa kongreso.
Bukod pa dito, nais din ng grupo na i-disqualify ang isa sa mga partylist na sinusuportahan at kaalyado ng NTF-ELCAC.
Ayon sa Kabataan Partylist Group, dapat na mabigyang pagkakataon ang mga kabataan na makilahok sa usaping politika lalo na sa mababang kapulungan. —sa panulat ni Angelica Doctolero