Nagkasa ng kilos protesta ang ilang grupo kasunod ng pananambang sa siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.
Magsasagawa ng kilos protesta ang mga miyembro ng Kabataan party-list sa Department of National Defense (DND) ngayong araw.
Una nang kinondena ng grupong Gabriela ang pagmasaker sa mga magsasaka kung saan kabilang sa siyam na nasawi ang apat na kababaihan at dalawang menor de edad.
Nanawagan naman sa Commission on Human Rights (CHR) ang grupong karapatan na panagutin ang utak sa nangyaring krimen.
Naniniwala ang mga militanteng grupo na ang ‘red tagging’ sa mga magsasaka ang dahilan sa pamamaslang sa mga biktima.