Sasalubungin ng kilos protesta ng ilang militanteng grupo ang unang anibersaryo sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na ito.
Mag-ra-rally ang grupong KMP o Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura sa harap ng Camp Aguinaldo mamayang alas-8:30 ng umaga.
Ayon kay KMP Secretary General Antonio Flores, dismayado sila sa unang taon ng Pangulo dahil hindi ito nagpakita ng political will at sinseridad para tugunan ang matagal nang hangad ng mga magsasaka na tunay na repormang pang-agraryo.
Nabigo rin umano ang Pangulo na maibalik sa mga mangniniyog ang Coco Levy funds, magkaroon ng libreng irigasyon at social justice sa mga magsasaka.
Puro lamang umano salita ang Pangulo sa sinasabi nitong ipinapatupad na independent foreign policy.
By Rianne Briones
Unang taon ng Pangulo sasalubungin ng kilos protesta was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882