Nagkilos-protesta sa Mendiola sa Maynila ang iba’t-ibang demonstrador para mapanagot ang kasalukuyang administrasyon sa anila’y kapabayaan sa mga magsasaka sa bansa.
Ayon sa mga demonstrador, aabot sa higit 270 mga magsasaka ang mga pinatay mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod nito, giit ng mga ito na ibasura ang rice liberation law at anti-terror law.