Kasado na ang kilos protestang ikinasa ng ilang transport groups bilang pagtutol sa transport modernization na nais ipatupad ng pamahalaan.
Unang magsasagawa ng kanilang kilos protesta ang grupong PISTON o Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide bukas, Setyembre 20 hanggang 21.
Susunod naman ang grupong Stop and Go Coalition na magkakasa naman ng kanilang pagkilos sa Lunes at Martes ng susunod na linggo, Setyembre 25 at 26.
Sa panig naman ng LTFRB o Land Transporation Franchising and Regulatory Board, sinabi ng Board Member at tagapagsalita nitong si Atty. Aileen Lizada na handa ang kanilang joint quick response team para umalalay sa mga maaapektuhang pasahero.
Stop and Go Coalition’s jeepney strike
By Len Aguirre / Ratsada Balita Interview
Wala nang atrasan ang dalawang araw na tigil-pasada ng Stop and Go Coalition sa Setyembre 25 at 26.
Ayon kay Jun Magno, Pangulo ng Stop and Go, hindi nila tatantanan ang protesta laban sa jeepney modernization na lalo aniyang magpapahirap sa mga drivers at operatos ng mga jeepneys.
Binigyang diin ni Magno na hindi kakayanin ng mga operators ang P800 hulog araw-araw para sa 1.6 million pesos na halaga ng jeepney na gusto nilang ipagamit sa ilalim ng jeepney modernization.
“Hindi kami tumututol sa modernization, ang sa amin lang ay i-tama, ilagay sa tamang perspective kung papano ibibigay at papano yung modernization.” Pahayag ni Magno
—-