Nagkakasa na rin ng kilos protesta ang mga transport group sa Central Luzon bilang pagtutol sa implementasyon ng omnibus franchising guidelines na magpa-phase out sa mga jeep.
Tinatayang isandaan limampung transport leader sa mga lalawigan ng Pampanga, Bataan, Bulacan, Zambales at Nueva Ecija ang naghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board kontra sa phase out.
Alinsunod sa petisyon, ipinunto ng mga transport leader ang malaking epekto ng guidelines sa mga driver at commuter.
Ayon kay Emmanuel Cruz, spokesman ng workers’ movement for change, isang porsyento lamang ng mga jeep ang hindi naman aabot sa labinlimang taon, ang standard vehicle age requirement sa ilalim ng guidelines.
Ibinabala ni Cruz na kung igigiit ng LTFRB ang pag-phaseout sa mga lumang jeep ay asahan na ang transport strike na isang epektibong paraan upang dinggin ng Department of Transportation ang hinaing ng mga transport group.
By Drew Nacino
Kilos protesta laban sa pag-phase out sa mga jeep kasado na rin sa Central Luzon was last modified: May 23rd, 2017 by DWIZ 882