Naniniwala si Lawyers for Commuter Safety and Protection President Attorney Ariel Inton na kakulangan lamang sa dayalogo ang dahilan ng kilos-protesta ng grupong PISTON.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Atty. Inton na kailangang bigyang-linaw ang mga katanungan ng mga tsuper at jeepney operators kaugnay sa public utility vehicle modernization program ng gobyerno.
Bukod dito, dapat din aniyang alamin ang saloobin ng mga driver sa halip na gawing basehan nang pagsang-ayon sa modernisasyon ang bilang ng mga nakiisa sa tigil-pasada. - sa panulat ni Laica Cuevas