Ikinasa na ng mga militante at progresibong grupo ang kanilang kilos-protesta kasabay ng huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Maaga pa lamang ay nagtipon-tipon na ang mga ito sa University of the Philippines – Diliman campus kung saan inihanda ang mga tarpaulins, watawat at mga streamers na may iba’t ibang mensaheng nakasaad.
Ilan sa mga panawagan ng mga ito ay bigyan ng atensyon ang kahirapan dala ng Marawi siege, wakasan ang pang-haharass sa mga lumad at bigyan ng hustisya ang mga nasawi sa extrajudicial killings.
Nabatid na ang ilan sa grupo ay mula sa Southern tagalog habang ang iba ay grupo ng indigenous peoples.