Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang magsasaka at militanteng grupo sa harap ng tanggapan ng Department of Agriculture kahapon.
Pinangunahan ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang pangangalampag sa gobyerno para aprubahan na ng Agrarian Reform Bill upang mabigyan na ng sariling lupa ang mga magsasaka.
Maging ang ibang grupo ng magsasaka mula sa iba’t ibang panig ng bansa ay naglabas din ng kanilang hinaing tulad na lamang ng pagkontrol, pang aabuso at pananakot umano ng militar para imonopolyo ang lupa at pasimuno rin umano ng pagpatay sa mga magsasaka at kanilang mga kaanak.