Idinaan sa hugot lines ng iba’t ibang mga grupo ang kanilang kilos protesta sa harap ng Department of Agriculture kahapon, Valentine’s Day.
Ito’y para kalampagin at umapela sa pamahalaan na aksyunan ang anila’y pinalulutang na rice shortage sa bansa para bigyang katuwiran ang pag-aangkat ng bigas sa ibayong dagat.
Sa halip na ordinaryong placard, mga placard na hugis puso ang dinala ng mga grupong Bantay Bigas at National Federation of Peasant Women kasama ang mga miyembro ng Anakpawis.
Kabilang sa mga naka-sulat ang mga linyang: “Ang lahat ay nagmamahalan kaya kami walang laman ang Tiyan”; “Broken: Minsan puso, minsan bigas pero madalas tayo”.
“Paasa: minsan lovelife pero madalas gubyerno” ;”Mahal: Minsan jowa, ngayon bigas” at “Nagmamahalan na ang bigas at bilihin, gubyerno na lamang ang mumurahin”.
Posted by: Robert Eugenio