Naglunsad ng kilos protesta sa tapat ng Department of Education (DepEd) office sa Pasig City ang ilang kabataan sa unang araw ng pagbabalik-eskwela.
Iginiit ng Youth for Nationalism and Democracy na dapat ipagpaliban ng DepEd ang implementasyon ng K to 12 program dahil hindi pa umano handa ang gobyerno na magdagdag ng dalawang taon sa 10-year basic education system.
Ayon kay YND Spokesperson Rosanna Villegas, marami pang teacher ang hindi pa nakatatanggap ng teaching modules at proper training upang ipatupad ang K to 12.
Kinontra rin ng grupo ang pahayag ni DepEd Secretary Armin Luistro na may sapat ng bilang ng mga classroom at aklat para sa mga estudyante.
Bahagi ng pahayag ni Ms. Rosanna Villegas
School service operators
Samantala, sinalubong din ng kilos protesta ng mga school service operators ang unang araw ng pagbubukas ng klase.
Ito ay bilang protesta pag-phase out ng pamahalaan sa mga luma o may labing limang taon nang sasakyan na ginagamit bilang school service.
Ayon kay Efren de Luna ng ACTO, igigiit nila kay Chairman Winston Ginez ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagkalooban pa sila ng extension para mabago ang makina ng gamit nilang school service.
Ang problema anya, kailangan pa nilang angkatin sa China ang uri ng makina na makakasunod sa direktiba ng LTFRB.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Efren de Luna
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas | Drew Nacino | Allan Francisco (Patrol 25)