Walang plano ang Department of Foreign Affairs na ipaharang ang mga kilos protesta sa panahon ng APEC Summit sa susunod na linggo.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, Spokesman ng DFA, malaya ang sinuman na ipahayag ang kanilang saloobin laban sa APEC Summit.
Gayunman, umapela si Jose sa mga magsasagawa ng pagkilos na maging mahinahon at iwasang magresulta sa karahasan ang kanilang aktibidad.
“Hindi po natin mapipigilan ang mga kababayan natin na magsagawa ng ganyang klaseng pagkilos dahil right po nila yun, freedom of expression, so iginagalang po natin yan ang pakiusap lang po natin sana huwag maka-disrupt sa proceedings ng APEC o hindi mag-result in injury, or death or damage to properties.” Pahayag ni Jose.
By Len Aguirre | Ratsada Balita