Nagsagawa ng kilos protesta ang mamamayan ng Armenia dahil sa napaulat na pagdukot ng Azerbaijani forces sa halos 100 nilang sundalo sa Nagorno-Karabakh.
Ang Karabakh ay kinikilala bilang bahagi ng Azerbaijan ngunit kontrolado ito ng Armenia.
Sinasabing ito ang ugat ng hindi pagkakaunawaan ng 2 bansa ngunit natuldukan din ito nuon matapos mamagitan ang Russia peace deal.
Ngunit sa kasamaang palad muli umanong sumiklab ang agawan sa naturang teritoryo.
Bilang bahagi umano ng Azerbaijani anti-terror operation, lumusob ang grupo sa Karabakh at dito umano dinukot ang nasa 60 hanggang mahigit 100 sundalo ng Armenia.