Itutuloy ng mga militanteng grupo ang kanilang kilos protesta sa ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Ito’y makaraang hindi magkasundo sina Pangulong Duterte at ang mga militante sa isinagawa nilang pagpupulong kahapon sa Palasyo ng Malacañang.
Ayon kay BAYAN o Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes, luminaw aniya ang pagkakaiba nila ng pananaw ng Pangulo hinggil sa ilang mahahalagang usaping pambayan.
Iginiit ng grupo sa Pangulo ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal, tuluyang pagtuldok sa kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa gayundin ang pag-alis sa idineklarang Martial Law sa Mindanao ngunit nabigo sila.
Bagama’t nilinaw ni Reyes na tutol din sila sa pamamayagpag ng mga terorista sa Mindanao, sinabi nito na hindi pa rin sagot ang pagdideklara ng Batas Militar para sugpuin ang terorismo.
By Jaymark Dagala
Kilos protesta sa SONA ng Pangulo tuloy—BAYAN was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882