Umarangkada na ang tahimik na kilos protesta ng mga manggagawa ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sinimulan ito ng ng isang rally kasabay ng kanilang flag raising ceremony, suot ang kanilang black armbands.
Nais ng mga manggagawa ng PAGASA na baguhin ng Kongreso ang ipinasa nilang Salary Standardization Law-4 dahil mas malaki ang mawawala sa kanila kaysa madaragdag sa kanilang suweldo.
Ayon kay Ramon Agustin, Pangulo ng Philippine Weathermen Employees, kapag dinagdagan ang kanilang suweldo sa pamamagitan ng SSL, mawawalan ng bisa ang kanilang magna carta benefits tulad ng hazzard allowance, subsistence allowance at longevity pay.
Sa isang statement, sinabi ng Department of Science and Technology (DOST) na halos P5,000 o 88 percent ng Science and Technology employees ng pamahalaan ang hindi makikinabang sa SSL.
Halimbawa anila ang nasa Salary Grade 13 na manggagawa ay makakakuha ng dagdag na P3,700 dagdag sa sahod mula sa SSL subalit mawawalan naman ng mahigit sa P5,000 magna carta benefits.
Ang magna carta benefits ay ipinasa noong 1997 para sa Science and Technology employees ng gobyerno upang mapigilan silang maghanap ng trabaho sa ibayong dagat.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)