4 katao ang nasaksak at 1 ang nabaril matapos mauwi sa kaguluhan ang ikinasang kilos protesta bilang pagsuporta kay outgoing US Presidente Donald Trump sa ilang malalaking siyudad sa Amerika.
Batay sa ulat ng Washington State Police, naganap ang pamamaril malapit sa capitol building sa Olympia matapos magkasagupa ang mga raliyista at counter-protesters.
Kasalukuyan na anilang nakakulong ang salarin habang patuloy namang ginagamot ang biktima sa shooting incident.
Samantala, nagtamo naman ng seryosong pinsala sa katawan at ginagamot sa ospital ang 4 na biktima ng pananaksak sa kilos protesta sa bahagi rin ng Washington D.C.