Nagkilos protesta ang mga kababaihang Afghans sa Badakashan province laban sa Taliban.
Kanila kasing inerereklamo kung bakit hindi kumuha ang taliban ng mga babae sa mga mamumuno sa kanilang bagong tatag na gobyerno.
Ayon sa mga kababaihan, hindi katanggap-tanggap na walang babaeng ministro sa kanilang pamahalaan.
Dahil sa protesta, maraming kababaihan ang pinahahataw bago tuluyang buwagin ng taliban ang mga ito.
Sinabi ng taliban na bawal ang anumang kilos protesta na walang permit.—sa panulat ni Rex Espiritu