Inilunsad ng National Anti-Poverty Commission ang Kilos Sambayanan o Kilos para sa Sampung Batayang Pangngailangan para sa mga mahihirap na Pilipino sa Del Pan, Tondo Manila.
Layon ng programa na matugunan ang problema ng kahirapan sa bansa at maibigay ang sampung basic needs ng bawat Pilipino.
Kabilang dito ang pagkain, land reform, tubig, pabahay, edukasyon, kalusugan, , trabaho at industriyalisasyon, social protection, malusog na kapaligiran, kapayapaan at people’s participation.
Kasama ang Presidential Communications Office at Human Development and Poverty Reduction Cabinet Cluster sa mga ahensiyang magsusulong sa nabanggit na programa.
By: Aileen Taliping
Kilos sambayanan inilunsan ng NAPC sa Tondo Maynila was last modified: July 16th, 2017 by DWIZ 882