Aabot sa halos P8 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang sinunog ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Kalinga.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, ito’y makaraang marekober ng pulisya ang mahigit tatlumpung kilo ng mga tanim at isang kilo ng mga binhing marijuana sa limang taniman nito sa bulubunduking bahag ing Brgy. Loccong, Tinglayan.
Ginawa aniya ang pagsalakay ng mga awtoridad nang may pakikipag-ugnayan sa philippine drug enforcement agency o pdea batay na rin sa impormasyon mula sa dalawang naarestong suspek sa ikinasang buy bust nuong Pebrero 18.
Pagtitiyak naman ni Sinas, magpapatuloy at lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampaniya laban sa iligal na droga partikular na ng marijuana sa ilalim ng kanilang summer offensive.