Hindi lang si Megastar Sharon Cuneta ang bagong aabangan sa “The Voice Kids” dahil ipinakilala na rin ang bagong host na mas magpapasaya sa reality singing competition.
Ito’y walang iba kundi ang Chinita Princess na si Kim Chiu.
Makakasama ni Chiu sa pagho-host ng show ang mga datihang sina Luis Manzano at Robi Domingo.
Pahayag ni Kim madali silang nagkasundo dahil parehong kalog sina Luis at Robi.
Biro pa nga ni Kim ay magkaka-‘abs’ siya dahil sa kakatawa kapag kasama niya ang dalawa.
Sa The Voice Kids episodes ay si Kim mismo ang pumupunta sa mga bahay ng contestants at ibinahagi nito na nai-inspire siya sa bawat kwento ng mga batang sumasali sa kompetisyon.
Sa ngayon ay sobrang busy ng actress/host dahil pinagsasabay niya ang taping ng The Voice Kids at ang kanyang teleseryeng The Story of Us.
Nakatakda ring magsagawa ng shows abroad si Kim kasama ang ka-love team na si Xian Lim sa Saipan, Chicago at London.