Nakiusap ang actress na si kim chui na tigilan na ang pang iintriga sa kanila ni Maine Mendoza aka yaya Dub.
Ito ay matapos na punahin ng mga netizens ang isuot na gown ni maine sa eat bulaga tamang panahon nuong sabado ay parehong pareho sa gown na naisuot na nuon ni kim
Ayon kay Kim, a gown is just gown, hindi ito mahalaga. Dahil ang importante aniya ay kung paano napapasaya ang mga manonood.
Una nang idinipensa ng fashion designer na si Francis Libiran na hindi pa naisuot sa anomang event ang kanyang ginawang gown kundi iminodel lamang ito ni Kim sa kanyang 15th anniversary summer collection.
Binigyang diin pa ni Libiran na binili ng Eat Bulaga ang gown na ipinasuot kay maine at hindi nirentahan lamang.
By: Rianne Briones