Naging emosyonal si Kim Chiu sa kanyang 10th-year anniversary concert na Chinita Princess: The FUNtasy Concert noong Sabado na ginanap sa KIA Theater.
Ito rin ay para sa advance celebration ng kanyang birthday.
Ilan sa mga highlights ng concert ay ang kanyang dramatic entrance kung saan inawit niya ang Out of the Woods ni Taylor Swift at ang Jessie J hit na Burnin Up.
Maluha-luha din si Kim nang makitang punung-puno ng kanyang loyal supporters ang concert venue.
Nag-perform din ang tinaguriang Chinita Princess kasama sina Angeline Quinto, Morisette Amon, Enchong Dee, Piolo Pascual at marami pang iba.
Kinilig naman ang KimXi fans sa One Call Away duet nila ng ka-loveteam na si Xian Lim, dito inihayag ni Xian kung gaano niya kamahal ang ka-loveteam.
Buong pusong pasasalamat naman ang handog ni Kim sa lahat ng nanood ng kanyang concert. Sa huli ay kinanta niya ang Mr. Right habang binibigyan siya ng mga regalo at bulaklak ng kanyang fans.
Matatandaang, nagsimula ang karera ni Kim sa showbiz nang manalo itong kauna-unahang Pinoy Big Brother Teen Edition Big Winner noong 2006.
By Aiza Rendon