Itinanggi ng aktres na si Kim Chiu na lumaktaw siya sa pila nang magparehistro sa sattelite office ng Commission on Elections (COMELEC) sa isang mall sa Marikina.
Ayon sa post ng aktres sa Twitter, sinabi nito na nasa mall na siya ng 7:30 pa lang ng umaga ay naghihintay na siya sa pagbubukas ng registration.
Dagdag pa ni Kim, pumila para sa kanya ang kanyang road manager at nagtungo na lamang sa registration area nung siya na.
Nauna rito ay kumalat ang video ni Kim Chiu ang di umano’y paglaktaw nito sa pila para magparehistro.
Sa huli, sinabi ni Kim sa kaniyang tweet na huwag siyang husgahan ka agad ngunit sa halip na humupa, lalo pa itong lumikha ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens.
By Krista de Dios