Itinanggi ni dating BIR o Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares na prinotektahan nila ang Mighty Corporation kaya hindi ito nakasuhan ng maling pagbabayad ng buwis.
Ayon kay Henares, walang reklamong naisampa laban sa nasabing kumpanya ng sigarilyo dahil hindi sapat ang ebidensyang iniharap sa nagdaang administrasyon.
Dagdag pa ni Henares, batay lamang sa extrapolation ng isang market survey ang natanggap nilang reklamo laban sa Mighty Corporation at hindi, aniya, ito katanggap-tanggap na ebidensya sa korte.
Una nang sinabi ni Presidential Legal Adviser Salvador Panelo na prinotektahan ng mga dating opisyal ng Bureau of Internal Revenue ang Mighty Corporation dahil may inihandang aniyang kaso laban sa kumpanya ngunit hindi naman isinampa sa korte.
By Avee Devierte