Biyahe umanong China si North Korean Leader Kim Jong Un para sa pang-apat na state visit at pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.
Batay sa source ng South Korean News Agency na Yonhap, may lulan na isang mataas na opisyal ang isang tren ng North Korea na patungong border ng China.
Bagama’t hindi direktang pinangalanan, malaki umano ang posibilidad na si Kim ang nasabing high level official dahil sa dami ng mga nakaantabay na security vehicles nang dumaan ang nabanggit na tren sa Chinese border city na Dandong.
Sinasabing ang panibagong pagbisita ni Kim sa China ay bahagi ng hakbang nito bago ang nakatakdang pakikipagpulong kina South Korean President Moon Jae-In at US President Donald Trump.
—-