Nais umano ni North Korean Leader Kim Jong Un na magsagawa ng mas maraming pakikipagpulong kay South Korean President Moon Jae In sa susunod na taon.
Ayon sa Blue House ng South Korea, pinadalhan ng liham ni Kim si President Moon para bigyang pagkilala ang naging matagumpay nilang pagpupulong ngayong taon na layuning matapos ang iringan sa Korean peninsula.
Sa kanya ring sulat, humingi ng paumanhin si Kim matapos maudlot ang kanyang plano sanang pagbisita sa Seoul.
Gayunman, binigyang diin ni Kim na nakahanda pa rin siyang isakatuparan ito sa lalong madaling panahon.