Personal na nakiramay si North Korean Leader Kim Jong Un sa mga nasawing Chinese national sa kanyang bansa.
Batay sa report, tatlumpu’t dalawang (32) turistang Chinese at apat na North Koreans ang namatay matapos na mahulog ang sinasakayan na mga ito na bus sa isang tulay.
Ayon sa state-run KCNA News Agency, nakipagpulong si Kim sa Chinese Ambassador at binisita ang mga biktima ng aksidente sa ospital.
Nagpasalamat naman ang Chinese officials sa ginawang pakikidalamhati ni Kim.
—-