Excited na ang Hollywood Socialite na si Kim kardashian sa paglabas ng kaniyang ikalawang anak sa American Rapper na si Kanye West.
Sa kaniyang instagram account, ibinahagi ni Kim ang kaniyang bathroom selfie kung saan, ipinakita nito ang kaniyang tiyan.
Isa pang larawan ni Kim ang nakapost sa nasabing social networking site na may caption na waiting.
Inaasahan nang manganganak anumang araw mula ngayon si Kim dahil kabuwanan na niya ngayong Disyembre at masayang masya ang reality star sa tamang posisyon ng kaniyang sinapupunan sa pagdating ng kaniyang ikalawang supling.
By: Jaymark Dagala