Nagsauli na ang Eastern Hawaii Company ng 200 million pesos sa Anti-Money Laundering Council na bahagi ng 81 million dollars na nanakaw mula sa Bangladesh Central Bank.
Ipinabatid ito ni AMLC Executive Director Julia Bacay-Abad sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa naturang usapin.
Ang Eastern Hawaii ay pagmamay-ari ng casino junket operator na si Kim Wong.
Ang isinauling P200 million ay bahagi ng P450-million na ipinangako ni Wong na ibabalik sa Bangladesh.
By Meann Tanbio